Friday, 28 February 2014

Luneta Park


Ang Luneta Park ay madalas na dinadayo ng mga taga ibang bansa dahil sa rebulto ni Dr. Jose Rizal,Japanese Garden,Dancing fountain at ang mga bilihan dito.Karamihan sa mga pamilyang pilipino o mga dayuhan ay dito sila nagbabagong taon o nagpapasko nanunuod sila ng fireworks.Meron din ditong lugar na makikita mo ang pagpapakabayani ng ating pambansang bayan ito ang Ang Pagpapakabayani ni Dr.Jose Rizal.Ang Luneta park ay nasa Roxas Boulevard, City of Manila.





     
                                                



Quezon Memorial Circle

Isa itong landmark ng lungsod kung saan ang matayog na dambanang Quezon ay matatanaw.  Malapit lang ito sa City Hall at isang tawid lang ng lansangan ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Ang Quezon Memorial Circle ay parang rizal park Dahil Sa Rizal park ay naroon ang labi ni Rizal, dito sa QMC nakalibing si dating Pangulong Quezon. Ito ang “Quezon Memorial Shrine”. Ang ilalim ng dambana  ay ginawa ng museo kung saan makikita ang mga larawan ng pamilyang Quezon.  Narito rin ang ilang bagay na naiwan nya. Makikita naman ang mga pag-papagandang ginagawa rito ng pamahalalan ng Quezon City. Inayos  na ang lugar kung saan pwedeng mag-picnic. Naging maaliwalas na ang lugar. Nag-lagay rin ng mga bakal na pwedeng gamitin sa pag-eehersisyo. Halatang ginastusan ang pag-sasaayos ng Circle. Marami nga akong nakita na mga magkakasama at mag mag-pamilya na masayang pinagsasaluhan ang kanilang mga pagkain. Ang di lang maganda ay ang maraming kalat at mga langaw. May naglilinis naman akong napuna kaya lang sa dami ng tao ay hindi kayang mapanatiling malinis ang lugar kung sa kanya lang iaasa ang lahat.Marami ng mga pagbabago para isaayos ang lugar na ginagawa dito.  Meron na ritong zip-line, go-cart, mga rented bancas na gaya sa Baguio at isang maliit na amusement park. Maganda rin ang pagbabago na ito ginagawa sa Circle. Kahit paano ay may mga maaring pagpilian ang mga namamasyal.  Kaya lang may bayad ang pag-sakay sa mga lugar na ito Dito rin sa Circle makikita ang “Vibes Massage” kung saan pwede kang mag-pamasahe sa mga kapatid nating bulag. Masarap mag-pamassage dito matapos ang isang mahabang pakikibaka sa maghapong trabaho. Mainam rin rito ang magpahagod ng pagal ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo.Meron din ditong mga rides katulad ng wild wind,peris wheel at iba pa.

QUEZON MEMORIAL SHRINE



MUSEUM

WILDWIND

BOAT
ZIPLINE
PHARACH


No comments:

Post a Comment