Luneta Park
Ang Luneta
Park ay madalas na dinadayo ng mga taga ibang bansa dahil sa rebulto ni Dr.
Jose Rizal,Japanese Garden,Dancing fountain at ang mga bilihan dito.Karamihan
sa mga pamilyang pilipino o mga dayuhan ay dito sila nagbabagong taon o
nagpapasko nanunuod sila ng fireworks.Meron din ditong lugar na makikita mo ang
pagpapakabayani ng ating pambansang bayan ito ang Ang Pagpapakabayani ni
Dr.Jose Rizal.Ang Luneta park ay nasa Roxas Boulevard, City of Manila.


Quezon Memorial Circle
Isa itong landmark ng lungsod kung saan ang matayog na
dambanang Quezon ay matatanaw. Malapit
lang ito sa City Hall at isang tawid lang ng lansangan ang Ninoy Aquino Parks
and Wildlife Center.
Ang Quezon Memorial Circle ay parang rizal park Dahil Sa
Rizal park ay naroon ang labi ni Rizal, dito sa QMC nakalibing si dating
Pangulong Quezon. Ito ang “Quezon Memorial Shrine”. Ang ilalim ng dambana ay ginawa ng museo kung saan makikita ang mga
larawan ng pamilyang Quezon. Narito rin
ang ilang bagay na naiwan nya. Makikita naman ang mga pag-papagandang ginagawa
rito ng pamahalalan ng Quezon City. Inayos
na ang lugar kung saan pwedeng mag-picnic. Naging maaliwalas na ang
lugar. Nag-lagay rin ng mga bakal na pwedeng gamitin sa pag-eehersisyo.
Halatang ginastusan ang pag-sasaayos ng Circle. Marami nga akong nakita na mga
magkakasama at mag mag-pamilya na masayang pinagsasaluhan ang kanilang mga
pagkain. Ang di lang maganda ay ang maraming kalat at mga langaw. May
naglilinis naman akong napuna kaya lang sa dami ng tao ay hindi kayang
mapanatiling malinis ang lugar kung sa kanya lang iaasa ang lahat.Marami ng mga
pagbabago para isaayos ang lugar na ginagawa dito. Meron na ritong zip-line, go-cart, mga rented
bancas na gaya sa Baguio at isang maliit na amusement park. Maganda rin ang
pagbabago na ito ginagawa sa Circle. Kahit paano ay may mga maaring pagpilian
ang mga namamasyal. Kaya lang may bayad
ang pag-sakay sa mga lugar na ito Dito rin sa Circle makikita ang “Vibes
Massage” kung saan pwede kang mag-pamasahe sa mga kapatid nating bulag. Masarap
mag-pamassage dito matapos ang isang mahabang pakikibaka sa maghapong trabaho.
Mainam rin rito ang magpahagod ng pagal ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo.Meron
din ditong mga rides katulad ng wild wind,peris wheel at iba pa.

QUEZON MEMORIAL SHRINE

MUSEUM

WILDWIND

BOAT

ZIPLINE

PHARACH